Tuesday, September 3, 2019
Dugong Pilipino
Ang buwan ng wika ay isa sa pinaka-mahalagang pagdiriwang sa bansang Pilipinas na ipinagdiriwang sa buwan ng Agusto. Ang Buwan ng Wika, ang pagdiriwang kung saan pinapahayag natin ang pagmamahal sa ating sariling bansa. Isa din itong pagpapahayag ng paggalang sa ating ninuno at sa mismong wikang katutubo.
Hindi lamang parte ng nakaraan ang buwan ng wika dahil isa rin itong malaking bagay na nag papa-alala sa pagkaka-isa ng ating nasyong Pilipino. Dahil din dito ay napapanatili ang nasyon ang yaman at kahalagahan ng wika natin.
Isa sa wika ang pinaka-mahalaga sa bawat nasyon sapagkat ito ay isang daan sa kaunlaran dahil kung wala ang wika mahirap ang komunikasyon at ang komunikasyon ang isa sa paraan ng pakikihalubilo sa kapwa. Ngunit hindi na kagaya ng dati ang paggamit ng wika, madami nang pinagbago pati narin ang mga taong gumagamit nito.
Madaming iba't ibang klaseng pananalita na ang naidagdag sa ating wika kung saan ang iba na ay natatabunan na ang nakaraan. Madalas ang mga kabataan din ngayon, kagaya ko ay hingil na sa pagpapa-katotoo at binabalewa na ang importansiya nito. Ang iba nga ay inaaral ang ibang lenggwahe datapwat hindi pa nila lubos na alam ang sarili nating wika. Hindi ko sinasabing masama o bawal ang aralin at matuto ng ibang wika sapagkat sinasabi ko lamang na mahalin ang sa atin. Ipagmalaki, may iba din na pag natuto ng ibang wika'y nagpaka-saya at pinagmamalaki ngunit pag ginagamit ang atin ay wala manlang lang kainte-interes.
Ang ating wika ay hindi lamang basta wika,salita, lenggwahe dahil ang wikang filipino ay nagbibigay sa ating ng sagisay bilang isang hinirang na Pilipino. Alamin ang importansiya at basta basta nalang binabale-wala. Ipagmalaki ito at wag ikahiya, dahil ang totoong Pinoy ay nakikita sa pagmamahal sa sariling bansa.
https://www.google.com/url?sa=i&source=images&cd=&ved=2ahUKEwjPmdKvmrTkAhWbHXAKHeUhArIQjRx6BAgBEAQ&url=https%3A%2F%2Fwww.pressreader.com%2Fphilippines%2Fliwayway%2F20170821%2F281556585941971&psig=AOvVaw3ePWfAxZ7MiJp3AfupyGsh&ust=1567584702341685
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment